Lunes, Marso 17, 2014


PARES ADVENTURE

     Malakas akong kumain. Payat ako tingnan pero yung kanin ko naman sagad-sagaran. Tinatanong ako palagi ng mga kaklase ko, "Dan saan mo nilalagay yung mga kinakain mo?" Sobrang hilig ko kasi talagang mag foodtrip lalong lalo na sa mga mura yung kanin. Hindi ako pumapayag kumain sa isang kainan kapag hindi halagang limam' piso yung half-rice nila. 

    Anyway... aksidente ko lang naman na-discover yung PARES. 2012 nun at pakalat-kalat ako sa Pedro Gil naghahanap ako ng makakainan. Naka-kita ako ng MICROMATIC na payong tas sa ilalim nun may dalawang malaking kaldero. Madaming tao kaya naki-usisa ako. Ang bango! Gumuguhit sa ilong ko yung amoy ng pagkain. So sinubukan ko. Di naman ako nag-sisi sa na-diskubre ko. At simula sa araw na yun, di na nawala sa sistema ko ang pagkain ng Pares. 

     Naging suki ako nung pwesto sa may tapat ng Petron (na ngayon ay Caltex na "May subject to change in the future") Panalo yung karne ng baka, yung onion chives, yung chili nila, pati yung pritong bawang. Tuwing umuuwi ako eh hinahanap hanap ko yung lasa ng Pares. Lumipas ang ilang buwan at madaming kanin pero hindi ko pa din alam kung bakit tinatawag syang PARES (Nakakahiya..) At isang araw ay nalaman ko na lang na kaya sya tinawag na Pares dahil magka-PARES yung "Stewed Beef" at Sinangag. Ayun na!

     May criteria din kasi akong pinagbabasehan sa Pares since yung suki ko ay nag-set ng standards. Matic na dyan yung appearance ng lugar, kalinisan at pakikitungo ni Manong. Dagdag dyan yung mga condiments, yung tenderness ng karne (YES TENDRENESS!) at medyo marami pang iba.

     Madami na akong nakainang PARESAN sa kung saan saang lugar pero ngayon ko pa lang naisipan na gawan sila ng blog. Kaya ito yung comment ko sa mga susmusunod na PARESAN na nakainan ko:


 Pares sa tapat ng St. Anthony

     Kumain kami dito after namin mag-practice ng tutugtugin namin for "Tugon Greenday." Naghahanap kami ng mga ka-banda ko ng kakainan pero PARES agad ang nasa isip ko dahil bukod sa mura na, nakaka-busog pa. Ayun na nga nakarating kami dito kay Koya na sadyang magiliw sa amin. Close agad kami sa unang pag-order pa lang. Malinis sila dahil styro-bowls na binalot ng plastic (calypso ata) yung gamit nila. Yun ang lalagyan nila ng kanin at nung pares. Ang masklap lang dito eh mas konti yung makakain mo dahil maliit lang yung lalagyan. 

     Pag dating naman sa quality ng sabaw, SABAW na SABAW yung kanila di tulad nung "THICK SAUCE" (yes english na naman) dun sa suki ko sa may Caltex, Pedro Gil. Masarap yung sabaw kahit pa medyo na-disappoint ako nung una. Sakto lang din yung lasa ng sinangag. Yung chili na ginagamit nila dun eh hindi yung typical na hinihiwa ng maliliit tas niluluto kasabay ng bawang. Nakababad sa mantika yung sili tapos hiniwa lang ng medyo malalaki. Malalaki din naman yung hiwa ng onion chives dun. (Pero yung mga container ang liliit talaga ) 

     Malambot yung karne. Chewy naman sya. Hindi ka naman nila titipirin sa paglalagay nila nun. Kung Mami siguro yung inorder ko, solve na solve kasi bagay na bagay sya dun sa sabaw. Medyo tilted yung pwesto ni koya kaya naka-slant yung posisyon nyo. Di rin masyadong safe pag madaming kumakain dito kasi tabing tabi na sa kalsada yung pwesto.

     Kung hindi ka masyadong mapili at gutom ka na talaga at malapit ka sa St. Anthony School, PARA SA'YO ANG PARES NA ITUU! 

Pares sa corner ng San Antonio St. at San Andres St.

     Eto na siguro yung counterpart ng suki ko. Kung gusto nyo ng di masyadong maalat na Pares, dito kayo kumain. Dinadaan daanan ko lang to dati kasi nga pakiramdam ko eh walang makaka-abot sa standards na sinet nung suki ko. Totoo namang di nya naabot pero halos kuha nya yung hinahanap ko sa suki ko. Maganda yung pwesto kasi halos sidewalk na sya at di masyadong masikip yung kalsada nya. 

     Masarap yung sabaw. Thick sauce kasi eh. Tas yung karne saktong sakto din yung lambot. Malalaki din yung hiwa ng onion chives nila pero manipis naman kaya di nya na-o-overpower yung sabaw pag hinalo mo. Panalo din yung pagkaka-luto nila ng chili. Para kang sumilip sa Milkyway pag nakita mo yung dami ng chili na meron sila tas parang stars yung mga buto ng sili na nakahalo. Sobrang sarap lalo na nung hinalo ko na sya sa pares. Crunchy yung bawat kain. Pero di talaga ako pinawisan sa chili nila at di ko alam kung bakit ganun. :(

     Kung medyo naman nauuhaw kayo at ayaw nyo ng tubig, strategic yung pwesto nito dahil malapit lang to sa bakery. Pares + Panghimagas na tinapay + Drinks that you like = Kabusugan level 9999. Sobrang sulit yung ibabayad mo dito. Siguro sa susunod susubukan ko naman yung Mami nila tas bibili ako ng Siopao sa malapit na tindahan. Oha? Ma Mon Luk na!

     Kung malapit o nakatira ka sa lugar na to at naghahanap ka ng kainan at ayaw mo na sa mga fastfoods na malapit, PARA SA'YO ANG PARES NA ITUU!

(abangan ang mga susunod na adventure...)